6 na mangingisda, huli sa umano’y “illegal entry” sa karagatan ng Narra, Palawan

Arestado ng mga tauhan ng Bantay Palawan Task Force ang anim na mangingisda nitong Miyerkoles ng umaga, ika- 16 ng Agosto sa karagatan ng Narra, Palawan.

Sa ulat ng Task force, “illegal entry” sa Narra Municipal Water ang ginawa ng Boat Captain at limang kasama nito habang sakay ng bangkang pangisda.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Ang mga hinuli ay sina Elso C. Demerin, 22 anyos, Jodeson D. Favilla, 22 anyos, Ginisis Asompang, 19 anyos, mga residente ng Brgy. Panacan 1 Narra, at Rey Mel C. Zariaco, 19 anyos ng Brooke’s Point kasama sina Lahrey John A. Angeles at Geong B. Enggasan na mga residente sa Sofronio Española.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Kinumpiska sa kanila ang 1 unit ng compressor at lambat, ayon pa sa ulat ng awtoridad.