Healthcare utilization rate sa Camarines Norte lalo pang bumaba

CAMARINES NORTE- Lalo pang bumaba ang bilang ng mga naoospital sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa COVID- 19 batay sa pinakabagong datos ng Department of Health.

Noong Lunes iniulat ng DOH na sa 166 na kama na inilaan para sa mga pasyenteng may COVID- 19,  12 lang dito ang nagamit o katumbas ng nasa 7.2 % utilization rate.

Mas mababa pa ito sa kaparehong panahon noong nakaraang linggo 9. 7 % healthcare utilization.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Nasa low risk din ang isolation beds for COVID utilization sa 11. 0 %, Covid ward beds utilization sa  2. 9% habang wala namang naitalang paggamit sa ICU beds at mechanical ventilator.

Nasa ilalim ng Alert Level 2 ang lalawigan ng Camarines Norte.

Pero paalala ng Department of Health na kahit nasa mababang Alert Level ay dapat pa ring isabuhay ang pagsunod sa mimimum health standards.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Ayon kay Ken Nuyda, Nurse V ng DOH- CHD Bicol kailangang i- practice ang health protocol sa bahay man o sa trabaho lalo na s amga pampublikong lugar at transportasyon.

Kahit patuloy aniya ang pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19 ay dapat pa ring maging maingat.