Cash incentive para sa mga senior citizen sa bayan ng Basud na edad 80 anyos pataas sinimulan nang ipamahagi

CAMARINES NORTE- Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ang pamamahagi sa sampung libong pisong halaga ng cash incentive para sa mga senior citizen edad 80 anyos pataas sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ayon sa LGU aabot sa kabuuang 382 mula sa 29 na barangay ang benepisyaryo ng programa.

Sa unang araw ng pamamahagi ng cash incentive kahapon ay 13 barangay ang naka schedule mula sa highway block

Ngayong araw ay naka schedule naman ang 16 na barangay mula sa River Block.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ngayong 2022 ang unang taon ng pagpapatupad ng Octogenarian and Nonagenarian” Ordinance na ipinasa ng Sangguniang Bayan at nilagdaan ng Alkalde noong nakaraang taon.

Sa ilalim ng ordinansa, tatanggap ng halagang P10,000 ang lahat ng nabubuhay na senior citizen edad 80 anyos (Octogenarian) at 90 anyos (Nonagenarian) mula sa LGU.

Ngayong 2022 sa unang taon ng implementasyon ng ordinansa, kasama sa makatatanggap ng cash incentives  ay ang edad 80 anyos pataas sa panahon na ito ay inaprobahan at sa mga susunod na taon ay ang mga may edad lang na 80 at 90 anyos.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Naglaan ang LGU ng halagang anim na milyong piso sa 2022 Annual Budget para pondohan ang inisyal na implementasyon ng ordinansa.

Ang naturang halaga ay subject sa increase depende sa funding requirements para mabigyang insentibo ang kwalipikadong benepisyaryo.

Ipinasa ng Sangguniang Bayan ang naturang ordinansa upang mabigyan ng kahit kaunting insentibo man lang ang mga nakatatanda dahil sa panahon umano ngayon ay kakaunti na lang ang nakakaabot sa edad na 100.