Boxing event planong gawin ng City Sports ng Olongapo

Plano ng Olongapo City Sports and Youth Development Office na magsagawa ng boxing event ngayong buwan ng Mayo.

Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ni City Sports and Youth Development Office head David Bayarong sa ilang mga kilalang boxing coach katulad ni Coach Nolito Velasco.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ayon kay Bayarong, ang plano ay magkakaroon ng sampong amateur bouts at ang iba ay open bouts.

Gaganapin ito sa Rizal Triangle pero sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa, iaanunsyo na lamang sa mga susunod na araw pati na ang iba pang detalye.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga Batanggapo na mahilig sa nasabing sports na makapaglaro at maaaring lumaban sa mga international competitions.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: David Bayarong

May be an image of 1 person and text