COMELEC-Catanduanes, inihayag ang ilan sakanilang ‘contingency plan’ sakaling magkaroon ng aberya sa mismong araw ng Halalan

BNFM BICOL— Inihayag ni Atty. Francis Nieves, Acting Provincial Election Supervisor ng COMELEC-Catanduanes na nakahanda ang kanilang contingency plan sakaling may maganap na mga aberya sa mismong araw ng Halalan sa islang lalawigan.

Sa isang panayam sinabi ng opisyal na sisiguraduhin ng kanilang tanggapan na magkakaroon ng generator set ang bawat barangay sa Catanduanes sakaling magkaroon ng brown-out o power interruption lalo na sa gabi ng eleksyon.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Mahigpit rin aniya nilang imo-monitor ang implementasyon ng mga umiiral na health protocols bilang pag-iingat kontra COVID-19, kung saan ang mga botanteng mayroong mataas na temperatura ay dadalhin sa ‘isolation polling place’ para doon bumoto at hindi papahintulutang pumila at makisabay sa ibang mga botante.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kaugnay nito, inanunsiyo naman ni Nieves na isasagawa ang Final Testing and Sealing ng mga Vote Counting Machines sa lalawigan ngayong darating na May 3, kung saan inaanyayahang dumalo ang lahat ng mga representative o watchers ng bawat kandidato.###