Health facilities sa Batangas, isinailalim na ng DOH-CALABAZON sa code white alert

Isinailalim na ng Department of Health-CALABARZON sa code white alert ang lahat ng health facilities sa buong lalawigan ng Batangas, ito ay bilang paghahanda sa emergency care kung sakaling magiging malala ang epekto ng aktibidad ng Bulkang Taal.

Sa ilalim ng nasabing code white alert, pinapa-standby na ang mga medical specialist sa bawat medical facilities para sa posibleng pagresponde sa mga lugar na maaapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Kinakailangan na nakahanda na rin ang mga medical supplies at mga gamot para sa pagresponde.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Paula Paz Sydiongco, magpapadala na rin ng N95 facemask ang regional health office sa mga lugar sa Batangas na lubhang apektado ng volcanic smog.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Patuloy naman ang paalala ni Sydiongco sa mga residenteng malapit sa bulkan na doblehin ang ginagawang pag-iingat at manatiling umantabay sa mga anunsyo para sa kanilang kaligtasan.