Health expert sa US muling iginiit ang kahalagahan ng 3rd shot vs COVID-19

Kumbinsido si US National Institute of Allergy and Infectious Diseases Director Dr. Anthony Fauci na kailangan ng tatlong doses ng COVID-19 vaccine para sa full protection laban sa virus.

Ito ay sa gitna ng COVID-19 surge na nakakaapekto sa maraming buhay ng mga Amerikano at sa iba pang mga bansa.

Ipinaliwanag ni Fauci na ito ay base sa Israeli-based studies na nagpapakita ng pagbaba ng infections sa mga taong nakakuha ng third dose o booster shot.

Nilinaw naman ni Fauci na ipinauubaya na niya sa US Food and Drug Administration na magpasya kung dapat bang mag-third dose ang mga Amerikano.

Inaasahan namang magpapasya ang ahensiya bago matapos ang kasalukuyang buwan kasunod ng pag-a-apply ng Moderna at Pfizer para sa FDA authorization para sa third dose matapos ang anim hanggang walong buwan pagkatapos matanggap ang second dose ng bakuna.

Aminado naman ang ilang health expert na wala pang indicator kung sino ang mga mangangailangan ng extra shot pero patuloy na irerekomenda na magpabakuna na ang lahat.