Legazpi City- Nananatili sa low risk level ang health care utilization rate sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.
Batay sa pinakahaluling datos ng DOH Bicol tungkol sa health care utilization rate, may 103 allocated beds ang nasabing ospital kung saan 13 lamang dito ang nagamit at nakapagtala ng 12.6% utilization rate, 0.0% ang isolation rate, 6.8% ang ward bed utilization, 27.6% naman ang ICU bed utilization habang 9.3% naman ang mechanical ventilators utilization rate.
Sa parehong datos, nasa low risk level din ang mga ospital na pinangangasiwaan ng mga lokal na pamahalaan sa Albay, gayundin ang mga ospital sa Legazpi City.