Nagsisimula nang gumulong ang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group kaugnay sa posibleng sanhi ng pagbagsak ng H125 Airbus helicopter ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesman PCol. Jean Fajardo patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines para tingnan ang lahat ng anggulo sa insidente.
Kabilang sa sinisilip ay ang human error, technical at mechanical malfunction na posibleng rason kung bakit ito naaksidente nitong Lunes.
Nabatid na papunta sana sa Balesin, Quezon ang chopper para sunduin si PNP chief Dionardo Carlos nang ito ay bumagsak.
Sugatan sa insidente ang dalawang pulis na sina Lieutenant Colonel Dexter Vitug at Police Lieutenant Colonel Michael Melloria habang nasawi naman si Patrolman Allen Noel Ona.
