Halos 600 pamilya sa Mercedes na naapektuhan ng bagyong Paeng noong nakaraang taon nakatanggap ng tulong mula sa DSWD

CAMARINES NORTE – Nakatanggap ng calamity cash assistance  mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 582 pamilya mula sa iba’t- ibang Barangay ng Mercedes, Camarines Norte.

Ang mga ito ay yaung mga nasiraan ng bahay at ari- arian nang manalasa ang bagyong Paeng Oktubre ng nakaraang taon.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan na nasa 564 na pamilya ang iniulat na nagkaroon ng partial damage ang kanilang bahay na nakatanggap ng mahigit P4 na libo habang 18 naman ang totally damage houses na nakatanggap ng mahigit P8,00.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ginawa ang pay out sa Jimmy P. Lo Sports Complex kahapon na pinagasiwaan ang mga tauhan ng DSWD.

Mababatid na karamihan sa hanapbuhay ng mga taga Mercedes ay pangingisda.

Ang bagyong Paeng ay nag- iwan ng tinatayang nasa P18, 750, 500.00 na halaga ng pinsala sa fishery sector sa lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa summary of damage and loss assessment report for fisheries ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), pangalawa ang Camarines Norte sa mga lalawigan sa Bicol Region na pinaka- naapektuhan  kung saan apektado ang nasa 154 fisherfolks. Ito ay makaraang masira ang ilang mga bangka, fish ponds at fish cages dahil sa hagupit ng bagyo.