Produksyon ng bangus sa Camarines Norte pinalalakas ng BFAR

CAMARINES NORTE – Pinalalakas ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang produksyon ng bangus dito sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng pagbibigay ng teknikal na suporta sa mga bangus growers.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam sa ngayon ay maganda ang produksyon ng bangus sa lalawigan at malaki ang potential na lalo pa itong lumago.

Inihalimbawa nito ang isang pribadong fish pen sa Sta Elena na nagpo- produce umano ng 14 na tonelada kada harvest.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mayroon ding proyekto ang ahensiya na bangus fish pen sa Jose Panganiban na ginaya ang Sta Elena gayundin sa Mercedes.

Sabi ni Tiam hindi lang ang bangus production ang pinagtutuunan nila ng pansin kundi ang ibang species.

Ang maganda umano sa bangus ay climate resilient ito kaya madaling alagaan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Matatandaan na sa isinagawang Milkfish Stakeholders Consultation na ginanap noong Oktubre sa Provincial Capitol dito sa Daet, sinabi ng BFAR Region V na pumapangalawa na lang ngayon ang Pilipinas sa Indonesia pagdating sa bangus production

Sabi noon ni Ray Barcoma, Milkfish Focal Person ng BFAR Bicol, magiging banta sa hinaharap ang pangyayaring ito kapag hindi naayos ang produksyon ng bangus sa bansa. Sa katunayan 80 % ng fingerlings ay nagmumula sa Indonesia at ang nalalabi ay galing naman sa Malaysia.