Halos 500K na hinihinalang shabu, nakumpiska sa Antipolo City

Nakumpiska ang P578,000 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Antipolo PNP kasama ang PDEA 4A sa Antipolo, City.

Naaresto ang isang High Value Individual na si alyas “Ecko,” 41 anyos, na residente ng Cainta, Rizal.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Nakumpiska mula sa kanya ang 13 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 85 gramo.

Ang mga ebidensya ay minarkahan at dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa dokumentasyon.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa Antipolo City Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa ilalim ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.