4 na suspek sa pangho-holdap, arestado sa QC

Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad ang apat na lalaking nang holdap sa loob ng isang restaurant sa Quezon City.

Mabilis umano nakatakas ang mga armadong suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Ayon kay Kamuning Police Station Chief Police Lt. Col. June Paolo Abrazado, naging modus na ito ng grupo mula pa July at dati na rin silang nakulong sa kasong robbery at droga.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nahuli ang mga suspek sa magkakahiwalay na operasyon sa Caloocan, Valenzuela, Quezon at Makati City na pawang aminado sa krimen.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Narekober sa mga ito ang ninakaw na gamit kabilang ang dalawang baril na kargado ng bala at ang ginamit na mga motorsiklo.

Reklamong robbery at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng mga suspek.