Halos 100K – apektado ng Bagyong Julian

Umabot na sa halos isandaang libong katao ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Julian sa 3 rehiyon sa Northern Luzon.

Sa Bagong Pilipinas program, inihayag ni Dep’t of Social Welfare and Development Assistant Sec. at Spokesperson Irene Dumlao na batay sa datos mula sa kanilang disaster response management kaninang alas sais ng umaga, mahigit 29,000 na pamilya o mahigit 99 thousand katao ang naapektuhan ng bagyo sa 311 brgy sa regions 1, 2, at Cordillera Administrative region.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

405 families o mahigit 1200 indibidwal naman ang pansamantalang nanunuluyan sa 58 evacuation centers.

Sa ngayon patuloy na nakikipagtulungan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para mahatiran ng tulong ang mga apektadong residente.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Office of the Civil Defense upang magamit ang air at naval assets ng AFP upang marespondehan lalo na ang mga pinakamalubhang sinalanta ng bagyo sa region 2 partikular sa Cagayan at Batanes.