Halos 100 barko ng China, na-monitor ng Navy sa 7 islang inookupa ng bansa sa WPS

Siyamnapu’t walong barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy sa 7 islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea.

Base sa datos na inilabas ng Philippine Navy, Mula May 7 hanggang May 13, pinakamarami ang namonitor sa bisinidad ng Ayungin shoal na binubuo ng 25 Chinese Maritime Militia vessels (CMMV) at 6 na Chinese Coast Guard Vessels (CCGV).

Read More:  Abante seeks House probe into missing ‘sabungeros’

Sumunod dito ang Pag-asa island na may 24 CMMV, 2 People’s Liberation Army Navy Vessel at 2 CCGV at Bajo de Masinloc sa 18 CMMV, 2 PLAN at 8 CCGV

Read More:  Senator Marcos pushes PRRD bill in Senate

Habang 4 CMMV ang namonitor sa Panata island; 2 CMMV at 1 PLAN sa Kota island , 2 CMMV at isa pang Chinese vessel sa Patag island at 1 CMMV sa Likas island.

Wala namang na-monitor na mga barko ng China sa Lawak at Parola Islands.