Halaga ng piso lalo pang bumaba sa nakalipas na apat na taon

CAMARINES NORTE – Lalo pang bumaba ang halaga ng piso sa nakalipas na apat na taon o mula noong 2018.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nagkakahalaga na lang ng 87 centavos noong January 2022 ang piso sa kaparehong panahon noong 2018.

Nangangahulugan ito na para makabili ng parehong dami ng produkto at serbisyo noong 2018 sa halagang P100 ay kailangan na mayroon ang consumer ng P114. 60.

Simula namang ngayong buwan ay ni- rebase ng PSA ang Consumer Price Index for All Income Household sa 2018 base year.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Batay sa kalatas na ibinahagi ni Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, ang methodology ng rebasing ng CPI sa 2018 base year ay sa bisa ng PSA Board resolution no 15 series of 2021 na inumpisahan ngayong Pebrero.

Ang CPI o Consumer Price Index ay indicator ng pagbabago sa average prices ng mga produkto at serbisyo na karaniwang binibili ng mga consumer na maikukumpara sa base year.

Ito ang madalas na ginagamit sa calculation ng inflation rate purchasing power of the peso.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang serye ng mga CPI ay nagsisilbi ring basehan ng economic analysis, collective bargaining agreements, wage adjustments at monitoring sa epekto ng economic policy ng gobyerno sa households.

Ang rebasing ng CPI ay ginagawa ng PSA kada anim na taon sa ilang mga kadahilanan.

Ito ay upang masiguro na ang CPI market basket ay patuloy na maka- capture ang mga produkto at serbisyong madalas na binibili ng households, update ng expenditure patterns of household at ma- synchronize ang base year ng Gross Domestic Product (GDP).