DENR umapela sa publiko na protektahan ang wildlife species

CAMARINES NORTE- Umapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na protektahan ang mga buhay ilang o wildlife species.

Ayon kay OIC PENRO Officer Marlon Francia, hindi dapat sinasaktan o hinuhuli ang mga buhay ilang para gawing alaga o pet.

Nilinaw naman ni Francia na mayroon  talagang  mga species na puwedeng alagaan at nag iisyu naman ng permit ang DENR.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nais umano ng ahensiya na hindi lang maging aware ang bawat isa sa kahalagahan ng buhay ilang kundi dapat ding makatuwang sa pangangalaga sa mga ito.

Ikinatuwa naman ng opisyal ang tugon ngayon ng komunidad dahil tumataas na rin umano ang awareness ng publiko ukol dito.

Patunay dito ang mga isinusurender na wildlife species sa DENR nang hindi pinapatay o sinasaktan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Matatandaan na kamakailan lang ay isang Philippine Hawk Eagle at Paradise Flying Tree Snake ang isinurender ng ilang residente sa DENR.

Ang mga ito ay pinakawalan din sa kanilang natural habitat matapos ang masuri ng mga eksperto.

Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang ang world wildlife day.