Haiti Prime Minister, nakaligtas sa tangkang asasinasyon

Nakaligtas sa tangkang asasinasyon si Haiti Prime Minister Ariel Henry sa isang event na may kaugnayan sa anibersaryo ng independence ng kanilang bansa.

Ayon sa report, nasa seremonya sa isang simbahan sa northern city ng Gonaives si Henry nang magpaulan ng baril ang mga suspect.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Makikita sa video na dinala ng kanyang entourage si Henry patungo sa kanyang sasakyan habang naririnig ang mga putukan

Inihayag ng tanggapan ni Henry na mga bandito at terorista ang posibleng nasa likod ng tangkang asasinasyon bilang ganti sa pangako ng Prime Minister na hahabulin nito ang mga makapangyarihang gangs na sinasabing nasa likod ng serye ng kidnapping at pang-aagaw ng kontrol sa gas distribution sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bansa na nagdulot ng fuel shortage.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Matatandaan na pinatay si President Jovenel Moise noong July.