Ibinahagi ng aktres na si Kris Aquino na may kinalaman sa kaniyang kalusugan ang rason ng hiwalayan nila ng kaniyang fiancé, na si dating Interior Secretary Mel Sarmiento.
Base sa final message ni Sarmiento kay Aquino ay ginusto niya sana samahan ang kaniyang dating fiancé para magpagamot sa US.
Pero kalaunan ay hindi na ito ginawa ni Sarmiento dahil posible aniya na siya pa ang maging rason para lalong manganib ang kalusugan ni Aquino na may auto-immune disease.
Ipinunto niya na may “bubble fatigue” siya at hindi niya mapanindigan ang responsibilidad na ibinigay sa kaniya ng “doctor cousin” ni Aquino na panatilihin itong ligtas mula sa COVID.
Lumabas rin na dati nang inalok ni Kris si Sarmiento na makipaghiwalay dahil sa sitwasyon nito.
“On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble”
