Sunog, sumiklab sa parliament ng South Africa

Muling sumiklab ang sunog sa parliament ng South Africa sa Cape town ilang oras matapos itong ideklarang fire under control

Unang sumiklab ang sunog noong Linggo na sumira sa National Assembly o lower chamber

Kaugnay nito ay naaresto ng mga pulis ang isang suspect na dapat sana ay haharap sa korte sa Martes dahil sa kasong arson, housebreaking at pagnanakaw.

Nagbabala ang mga otoridad ng posibleng pagsiklab pa ng sunog dahil sa carpet at mga kahoy na sahig ng gusali.

Ayon sa mga bombero sa lugar, muling sumiklab ang sunog dahil mahangin sa lugar.

Dahil dito, napinsala nang tuluyan ang 4th at 5th floor ng gusali.

Pinuri naman ni President Cyril Ramaphosa ang mga bombero sa pagtugon sa sunog habang kinumpirma nitong hindi gumana nang maayos ang sprinkler system ng gusali.