Guo – posibleng maharap sa kasong perjury kung tatakbo

Binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros na tila wala pa ring tigil si Alice Guo o Guo Hua Ping sa panloloko sa taumbayan kahit nasa loob na ito ng piitan.

Kasunod ito sa isiniwalat ng kanyang abugadong si Atty. Stephen David na plano nitong muling tumakbo sa paparating na halalan.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Ayon kay Hontiveros, bilang isa umanong importanteng dokumento ang certificate of candidacy ay maaring humarap sa kasong perjury si Guo kung magpumilit itong magsinungaling na Filipino citizen siya.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Maalala, si Guo ay kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng Kongreso dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operator sa Bamban, Tarlac.