Naghain na ang Department of Justice (DOJ) ng qualified human trafficking case laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa.
Sina Guo ay kinasuhan matapos lumabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012, at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina Huang Zhiyang – ang tinawag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) bilang ‘boss of all bosses’ ng ilegal na POGOO, at sina Zhang Ruijin, at Lin Baoying.
Mababatid na noong nakaraang linggo, sinabi ni Justice Undersecretary Nicky Ty na sa ilalim ng batas, ang mga indibidwal na nag-oorganisa ng establisyimentong may kaugnayan sa human trafficking ay pananagutin.
Basta may kinalaman aniya sa pagtayo o pangangasiwa ng kumpanya na dawit sa naturang ilegal na gawain – maaaring makasuhan ng human trafficking.