Senador, pinapa-validate sa PAGCOR ang pahayag hinggil sa pagkasangkot ng ex-PNP chief sa POGO payroll

Ipinunto ni Senador Win Gatchalian na mahalagang mapangalanan ang sinasabing dating Philippine National Police Chief na di umano’y kasama sa POGO payroll lalo na kung may ‘sense of truth’ ito.

Anya, dahil sa mga katulad na pahayag, maaring madungisan ang buong institusyon kaya dapat itong ma-validate ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dagdag pa ni Gatchalian, dapat din umanong humingi ng executive session ang PAGCOR para rito upang mabigyan ito ng direksyon at malapatan ng sapat na detalye.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Matatandaan, matapos ang paglabas ng detalyeng ito agad na tinanong ni dating PNP chief Sen. Ronald Bato Dela Rosa si Alice Guo kung kilala siya nito at kung nagkita na sila, sa takot na baka siya ang isiping dating hepe na tinutukoy dito.