24 former PNP Chiefs – iimbestigahan

Tiniyak ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang “sacred cow” sa gagawing imbestigasyon para matukoy kung totoong mayroong dating ‘Chief PNP’ na sangkot sa pagtakas ni Alice Guo palabas ng Pilipinas kapalit ng pera.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, pananagutin ng PNP sino man ang mapapatunayang sangkot “regardless” kung sino pa ito.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

“Serious rumor” kasi ang paratang at nakaapekto ito sa buong organisasyon.

Inatasan na rin ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na makipag-ugnayan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Bukod sa CIDG, pinakikilos na rin ang mga Intelligence Unit ng PNP para ma-establish ang identity ng sinasabing PNP Chief at iba pang Police officials na sangkot dito.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sinabi ni Fajardo, 24 na nakalipas na PNP Chief ang kasama rin sa kanilang imbestigasyon.

Kahapon sa pagdinig sa Senado nang ibunyag ni dating ISAFP chief Raul Villanueva, at ngayo’y PAGCOR official, na mayroong impormasyon pero hindi pa berepikado na isang dating pinuno ng PNP ang tumulong umano kay Guo na makalabas ng bansa.