Guo, natuklasang marami pa ring ongoing construction ng properties sa Bulacan

Inilantad ni Senador Joel Villanueva sa naging Kapihan sa Senado na napag-alaman nila na marami pang ongoing na kontruksyon sa mga ari-arian ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Brgy. Patubig, Marilao, Bulacan.

Ito ay sa kabila ng biglaang paglaho ni Guo sa kanyang mga idineklarang address sa ginawang pagsuyod ng awtoridad upang silbihan siya ng arrest order.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Paglilinaw ni Villanueva, ayaw niyang mailagay sa ‘bad light’ ang lokal na pamahalaan ng Bulacan ngunit umaasa siyang batid ng mga ito ang nagiging konstruksyon.

Samantala, hindi naman umano kumbinsido ang senador na hindi alam ng ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Guo.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Kasunod nito, nanawagan siya sa mga ito na paigtingin ang paghahanap sa mga dapat maaresto tulad ni Guo dahil nakakahiya na ang mga pangyayari.

Matatandaan, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), huling nakita si Guo sa Bulacan base sa kanilang mga nakuhang impormasyon.