Guinea President Alpha Conde hawak ng mga sundalong nagtangkang magkudeta

Hindi pa umano malinaw kung ano ang kapalarang naghihintay kay Guinea’s President Alpha Conde matapos na lumabas ang isang unverified video na nagpapakitang napapalibutan siya ng mga sundalo na nagpahayag na naagaw na nila ang kapangyarihan.

Lumabas ang grupo sa national tv na nagsasabing nabuwag na nila ang gobyerno. Ipinakilala ng mga suspect ang kanilang grupo bilang National Committee for Reconciliation and Development.

Sa kabilang banda, inihayag ng Defense Ministry na napigilan ng Presidential guard ang tangkang pag-takeover ng kapangyarihan.

Kasunod ito ng palitan ng putok malapit sa presidential palace sa capital city na Conakry.

Kinondena naman nina UN Secretary General Antonio Guterres at African Union ang tangkang kudeta kasabay ng hirit na dapat palayain sa lalong madaling panahon si President Conde.