Britanya, nagtala ng 37,011 na bagong COVID-19 cases

Naitala ng Britanya ang 37,011 na bagong COVID-19 cases noong Linggo, na hindi nalalayo sa 37,578 na nairehistro nito noong Sabado.

Sinabi rin sa ulat ng gobyerno na nagkaroon ng 68 na nasawi sa loob ng 28 araw ng pagkakapositibo ng mga ito sa virus.

Mas mababa ito kumpara sa 120 na naitala noong Sabado.

Dahil diyan ay umakyat na ang death toll sa buong United Kingdom sa 133,299.

Gayunman, base sa hiwalay na record ng Office for National Statistics ay umabot na sa 157,000 ang bilang ng mga tao na nasawi sa COVID-19 base sa kanilang death certificate.

Samantala, inihayag rin ng U.K. na umabot na sa mahigit 91.6-million COVID-19 vaccine doses ang naipamahagi sa mga mamamayan nito base sa huling ulat noong September 4.