Grupo ng mga guro, iginiit na hindi sapat ang isinabatas na sampung libong teaching allowance sa mga guro

Nagpapasalamat pa rin daw ang Teachers’ Dignity Coalition sa pagkakabatas ng P10,000 allowance para sa mga guro.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kabalikat sa Pagtuturo Act na siyang magbibigay ng P5,000 sa mga guro ngayong school year, at P10,000 naman sa school year 2025-2026.

Sa kabila nito, sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Teachers’ Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, nanindigan itong ang naturang halaga ay hindi pa rin sapat.

Giit ni Basas, napakahirap ng kanilang pagtuturo ngayon lalo pa’t nangangailangan din sila ng mga technology-based equipments.

Bukod pa raw dito ang mga traditional na kagamitan sa pagtuturo na kailangan din nilang bilhin.

Sa huli, naniniwala ang grupo na batay sa kanilang tantsa, hindi bababa sa P2,000 kada-buwan ang dapat maipagkaloob na allowance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *