Ground breaking ceremony sa ipapatayong bagong gusali ng Sta. Fe Police Station, isinagawa

Isinagawa noong Martes ang ground breaking ceremony sa ipapatayong Standard type B/C building ng Sta Fe Police Station na matatagpuan sa Consuelo Baliling, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Dumalo sa aktibidad sina PBGen Marcial Mariano P Magistrado IV, Deputy Regional Director for Administration, PLtCol William B Tulauan JR, Deputy Chief ng REU2, at PCol Camlon P Nasdoman, Provincial Director.

Pinangunahan ni PMaj Fernando D Bag-ayan JR, Chief of Police ng Santa Fe Police Station ang groundbreaking ceremony na hudyat ng pagsisimula ng proyekto na pinondohan ng 10,551,000.00 sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) Fund for the Fiscal Year 2024.

Sinaksihan ang aktibidad nina Engr. Winder B. Sibaen, ng WBS Construction, Forester Aquino Y Caramat Jr. at Rev. Fr. Virgilio F. Mendoza, Parish Priest ng Our Mother of Perpetua Help Parish Church.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *