Korean Football player, nasampolan ng mga kawatan sa BGC

Nadukutan nang hindi matukoy na halaga ng pera ang isang Korean Model na si Yi Young-Park sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ibinahagi ng atleta ang insidente sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.

Ipinakita niya rito ang isang video kung saan nakunan niya ang mga salarin noong Hulyo 4.

Matapos kunin ang kanyang wallet, nagsitakbuhan sa magkakahiwalay na grupo ang mga nasabing kawatan.

Dahil dito, nahirapan siyang sundan ang mga ito.

Sa kabutihang palad, naabutan niya ang dalawang miyembro ng grupo.

Nagpumilit pa raw si Yi para ibalik ang kanyang wallet ngunit nung maisauli na ito sa kanya ay wala nang laman ang kanyang pitaka.

Sana lang daw ay may natutunan ang mga tao sa insidenteng ito para mababawasan ang bilang ng mga maaaring mabiktima. (Brigada Intern Ray Respicio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *