Mahigit P10M halaga ng iligal na droga – nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Quiapo, Maynila

Mahigit P10 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtorida a Quiapo, Maynila

Ito’y sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEG, PDEA at Manila Police District Station 3 sa Arlegui st, Brgy. 378 sa Quiapo, Maynila.

Dalawang drug personality ang naaresto sa naturang operasyon na kinilala lamang sa mga alyas na Jojo at Nacer Datu Jaber

Nakuha mula sa kanila ang nasa 1 kilo ng hinihinalang shabu na may standard price na Php 6.8 million at 13 maliliit na sachet ng shabu na nasa kalahating kilo (500g) ang timbang at may standard price na Php 3.4 million.

Nakuha rin sa kanila ang iba’t ibang armas at bala gaya ng cal. 9mm browning pistol, cal.45 colt commander, mga magazine at ang drug buy-bust money.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *