KORONADAL CITY – MAKAKATANGGAP ng cash incentives ang mga atleta ng South Cotabato na nakakuha ng gintong medalya sa katatapos lang na Soccsksargen Regional Athletic Association o SRAA Meet 2024. Inihayag ni Provincial Administrator Atty. Renette Bergado na naglaan ang provincial government ng tig P 7,000 sa bawat gold medal na mapapanalunan ng mga atleta.
Ang South Cotabato Athletic Delegation ay nakakuha ng 115 gold medals, 121 silver at 83 bronze medals.
