Danyos ng El Niño sa So.Cot, P 810 million na

KORONADAL CITY – UMABOT na sa P 810.3 million ang danyos na dulot ng El Niño phenomenon sa agrikultura sa lalawigan ng South Cotabato. Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Agriculture’s Office, nasa 112,519 hectares na taniman ng mais, palay, high value crops at inland fishery ang naapektuhan ng tag-init.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Labis na naapektuhan ng El Niño ang mga tanim na mais na may lawak na 16,292 hectares. Umabot naman sa 9,792 na mga magsasaka ang apektado.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase