Gobyerno, tututukan ang Bayanihan Bakunahan III sa BARMM at iba pang malalayong lugar

Tututukan ng gobyerno ang pagpapalawig ng inokulasyon kontra COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa marami pang “inaccessible areas” oras na mapalawig ang third wave ng mass vaccination drive.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na sa lahat ng mga rehiyon sa bansa ay naitala ang pinakamababang vaccination rate sa BARMM.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ipinunto niya na marami pang hahabulin sa BARMM na kasalukuyang nasa 30% pa lamang ang vaccination rate.

Ayon kay Año, kailangang magtulungan ng local government units, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police sa pagpapadala ng vaccine doses sa mga malalayong probinsya para sa ikatlong “Bayanihan, Bakunahan”.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Iginiit ni Año na importanteng matutukan ang mga malalayong lugar kabilang na ang mga nakatira sa bulubundukin at ang mga nasa laylayan.