Economic safety nets, kinakailangan sakaling matuloy ang pananakop ng Russia sa Ukraine

Nanawagan ang ilang senador sa gobyerno na maghanda ng safety nets na poprotekta sa mga Pilipino mula sa epekto sa ekonomiya ng posibleng pag-atake ng Russia sa ukraine.

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, na maaring maramdaman sa buong mundo ang adverse effect ng invasion sa Ukraine.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ayon sa senador, maaring iniisip natin na malayo ang Ukraine, at magiging ligtas sa kapamahakan ang Pilipinas.

Pero ipinunto niya na nakatira ang lahat sa isang “global village” kung saan ay maaring magkaroon ng adverse effects sa global stock market ang isang invasion.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Nagbabala ang mambabatas na dapat na nating asahan ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at langis.

Ipinaalala rin ng senador na patuloy na naghihirap ang bansa dahil sa pandemya, at malayo pa tayo sa economic recovery.