Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force, na gawing mandatory ang safety seal certifications upang ma-regulate ang ventilation standards sa mga establisyemento.
Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na hindi ibig sabihin na ito ay mandatory overnight, sa halip ay pagsumikapan.
Ang safety seal ay nagsasaad na ang establisyemento ay sumusunod sa minimum public health standards laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Vergeire, binibigyang diin ng Health Technology Assessment Council ang kahalagahan ng ventilation standards sa harap ng dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.