PH, napanatili ang 7th spot ranking sa ‘deadliest country’ para sa mga journo sa global index

Nananatili parin ang Pilipinas bilang ‘worst countries’ pagdating sa mga hindi naresolbang pagpatay sa mga journalists.

Batay sa Committee to Protect Journalists’ (CPJ) Global Impunity Index 2021, pang pito ang Pilipinas mula sa 12 bansa, kung saan mayroon itong 13 unsolved killings ng mga journalists sa nakalipas na mahigit 10 taon.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kaugnay nito, ang Somalia ang nanguna sa listahan na na mayroong 24 unsolved murders, sinundan ng Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan, at Mexico, mula sa period na September 1, 2011 hanggang August 31, 2021.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bilang tugon, sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) tinitingnan nila ng may “optimism” ang Global Impunity Index ng CPJ.

Sinbai naman ni undersecretary Joel Sy Egco, PTFoMS executive director, na ang 7th rank ay inaasahan dahil ang report ay saklaw ang 10-year period.