Tiniyak ng Department of Justice na may mananagot at mananagot sa nangyaring magkakasunod na oil spill sa Bataan.
Ayon kay DOJ spokesperson Asec. Mico Clavano, may ulong gugulong sakali mang may mapatunayang naging pagkukulang, kapabayaan, at katiwalin sa nangyaring paglubong ng dalawang barko, at pagsadsad ng isa.
Sa ngayon, tuluy-tuloy umano ang imbestigasyon ng mga concerned agencies hinggil sa mga naturang insidente.
Matatandaaang isa sa mga tinitingnang anggulo ay ang posibleng ‘paihi’, ‘o ‘yung oil smuggling, bagay naman na pinabulaanan na ng mayari ng MT Terra Nova.
Nanindigan naman si Cavite Gov. Jonvic Remulla na hinding-hindi sila makikipag-areglo sa mga may-ari ng mga barko.
Aniya, dapat ay mayroong makasuhan ng kriminal sa kanila, sa oras na mapatunayang mayroong dapat managot sa mga insidente.