Naibalik na sa tunay na nagmamay-ari ang motorsiklo na ninakaw ng isang notoryus na motornapper sa bahagi ng Sitio Paninggusan, Barangay Awang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kamakalawa ng umaga.
Sinabi ni Barangay Awang Kagawad Efren Beljot,na alas syete ng umaga noong linggo nang tangayin ng suspek na si Tata Dipatuan na umanoy residente ng Cotabato City ang BAJAJ motorcycle na pagmamay-ari ni Ariel Pablo.
Hindi tumigil ang mga ito kasama ang mga barangay official ng Capiton at natunton ang kinaroroonan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Kilalan sa bayan ng Talitay at kanila itong nabawi alauna ng hapon kahapon.
Nagpasalamat naman si Ariel Pablo dahil hindi nya inakala na mababawi pa nya ang kanyang motorsiklo sa tulong ng mga opisyal ng barangay.
Sinabi ni Pablo na malaking kawalan sa kanya ang motorsiklo kung sakaling hindi na ito Nabawi dahil ito anya ang kanyang ginagamit sa kanyang paghahanapbuhay. (Jom Dimapalao)