Gobyerno, dapat nang paghandaan ang delays sa vaccine shipment dahil sa pag-aalboroto ng Taal Volcano

Hinimok ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na paghandaan ang mga posibleng delay sa COVID-19 vaccine shipments.

Ayon kay Villanueva, dahil ito sa disruptions sa inbound at outbound flights na maaring maranasan sakaling sumabog ang Bulkang Taal.

Ipinunto ng senador na noong January 12, 2020 eruption ay nakansela ang 643 flights sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque at Clark airport sa Pampanga.

Sinabi ni Villanueva na tinatayang nasa 100,000 pasahero ang naapektuhan nito.

Sakaling mangyari muli ito, ay sinabi ni Villanueva na kailangan nila gumawa ng Plan B para sa mga flights na lulan ang mga imported na bakuna.

Dapat rin anya nila mapagplanuhan ang dispatch ng mga bakuna kung saan ay ginagamit ang Manila bilang base.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *