6,192 na bagong kaso ng COVID-19, naitala

Naitala ng Pilipinas ang 6,192 na bagong COVID-19 infections na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito sa mahigit 1.4-million.

Ayon sa Department of Health, napataas nito lalo ang bilang ng mga aktibong kaso sa 55,482.

Sinabi ng DOH na nasa 91.5% ng mga aktibong kaso ay may mild infection, 3.8% naman ang asymptomatic, 2.0% ang severe, at 1.4% naman ang nasa critical condition.

Naiulat rin ng DOH na umangat ang bilang ng recoveries sa mahigit 1.3-million matapos gumaling ang 2,212 na karagdagang pasyente mula sa sakit, na pinakamababang nairehistro mula noong April 17.

Dahil naman sa 177 na bagong fatalities ay lumobo ang death toll sa 24,973.

Base sa ulat ng DOH, na-reclassify bilang deaths ang 102 na kaso na dating natukoy bilang recoveries, matapos ang final validation.

Ipinunto naman ng DOH na meron 11 duplicate cases ang natanggal mula sa total case count habang meron 12 pasyente na dating natukoy bilang recoveries ang na-validate bilang mga aktibong kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *