Go tiniyak na pinag-aaralan ng gobyerno ang mga hakbang para sa Tokyo Olympics sa gitna ng banta ng COVID-19 delta variants

Patuloy ang panghihimok ni Senador Christopher Bong Go sa mga eksperto at kinauukulan na regular na magkaroon ng assessment sa pandemic situation sa gitna ng posibleng kanselasyon ng 2021 Summer Olympics na nakatakda sa sanang maganap sa July 23 hangang August 8 ngayong taon sa Tokyo, Japan.

Sa isang panayam matapos ang pagdalo sa launching ng Malasakit Center sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City, sinabi ni Go na prayuridad ngayon ng pamahalaan ay ang kalusugan ng bawat atletang Pilipino.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Go titimbangin ng gobyerno ang kapakanan, buhay, at kalusugan ng bawat Pinoy sa mga hakbang na gagawin nito.

Sinabi ni Go na tumatayong chairman ng Senate Committee on Health at Committee on Sports, mas importante ang buhay at maari naman umanong ipagpaliban ang paglahok sa Olympics kung kakailanganin.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nabatid na noong June 26, nagkaroon ng malawakang kilos protesta sa Tokyo para ipanawagan ang kanselasyon ng 2021 Olympic Games bunsod ng pangamba ng COVID-19 outbreak sa naturang bansa dahil sa delta variants.