NORTHERN KABUNTALAN, MAGUINDANAO – NAGPASALAMAT ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Northern Kabuntalan sa probinsya ng Maguindanao dahil isa ito sa mga recipient ng children’s park project ng tanggapan ni MP Sittie Shahara “Dimple” Mastura.
Sinabi ni Mayor Datu Umbra Dilangalen na malaking tulong ito sa mga kabataan sa kanyang bayan sa paniniwalang sila ang pag-asa ng bayan.
Ayon naman kay MP Mastura, ang proyektong ito ay kanyang naiproposed mula sa BARMM Transition Development Impact Fund at isa ang Northern Kabuntalan sa nakabenepisyo sa nasabing proyekto.
Dagdag pa nito na tiyak na magiging masaya ang mga bata at kanilang magulang sa playground na itatayo sa bayan kasabay ng isinagawang ground breaking ceremony kahapon.