Makakatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 150 benepisyaryo sa pormal na pagbubukas ng Malasakit Center ngayong araw sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).
Tulad ng ipinamahagi sa mga nauna o sa soft opening ng pasilidad noong June 7, tatanggap ang mga bagong benepisyaryo ng tig- tatlong libong pisong halaga ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Maliban sa pera, mayroon ding kasamang food packs mula pa rin sa ahensiya na naglalaman ng bigas, de lata, noodles at kape.
Ang tulong pinansiyal na ibinibigay sa ilalim ng AICS program ng DSWD ay para sa mga pasyente ng CNPH o mga kamag- anak na nagbabantay sa kanila gayundin sa ilang job order employees ng ospital.
Ayon sa PHO mayroon nang listahan ng mga benepisyaryo para sa pay out.

