Go suportado ang kautusan ni PRRD na ilipat sa LGUs ang ilang tungkulin ng national government

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher Bong Go sa inilabas na Executive Order No. 138 ni President Rodrigo Duterte noong June 1, 2021 na naglalayong ilipat ang ilang tungkulin ng national government sa pamahalaang lokal.

Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act No. 7160 o mas kilala bilang Local Government Code of 1991. Paliwanag ni Go ang naturang hakbang ay bilang paghahanda na rin sa implementasyon ng Mandanas ruling na ibinaba ng Supreme Court na magbibigay ng karagdagang pondo para sa mga lokal na pamahalaan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Naniniwala ang senador na magiging daan ito upang bigyan ng kakayahan ang mga local government units na mas matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga lokalidad at mai-angat ang antas ng pamumuhay sa iba pang rehiyon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nabatid na sa ilalim ng naturang EO, lahat ng mga kinauukulan sa national government agencies at mga LGUs ay minamanduhang maghanda ng kani-kanilang devolution transition plans (DTPs) na tumutugma sa guidelines na inilabas ng Department of Budget and Management at Department of the Interior and Local Government.

Maliban dito binuo din ang Committee on Devolution o ComDev para imonitor ang implenetasyon ng administrative at fiscal decentralization goals nang naturang EO.