Higanteng sinkhole sa Mexico, ikina-alarma ng mga residente

Bumulaga ng isang higanteng sinkhole ang isang rice field sa Mexico.

Ayon sa report, nasa 60 meters ang diameter at 20 meters ang lalim ng sinkhole sa bukirin sa Santa Maria Zacatepec, Puebla state.

Pinalad namang hindi nadamay ang kalapit na bahay na nakatayo malapit sa sinkhole.

Tiniyak naman ni Governor Miguel Barbosa Huerta na nailikas na ang pamilyang nakatira malapit sa sinkhole.

Ipinagbawal na din ng mga otoridad ang paglapit ng mga residente sa sinkhole dahil sa posibleng pilegro nito.

Dalawang factor ang tinitignan nilang dahilan ng pagsulpot ng sinkhole, kabilang dito ang paglambot ng lupa at ang extraction ng groundwater sa lugar na nagpalambot din sa lupa.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang National Water Commission kabilang ang soil studies na posibleng aabot sa 30 araw.