Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang kontribusyon ng mga pharmacists sa ginawang vaccination drive ng pamahalaan sa mga botika.
Dahil dito hinimok ni Go ang gobyerno na mabigyan ng insentibo ang mga pharmacist na tumutulong sa malawakang bakunahan ng gobyerno.
Naniniwala ang senador na mas marami pa ang lalahok bilang volunteer vaccinators kung may maibibigay na incentives ang pamahalaan lalo na’t balak isagawa ang ‘Resbakuna sa Botika’ program sa buong bansa.

Paliwanag ni Go tiyak na makaka-engganyo ito pati ang mga may-ari ng private pharmacies sa pinakamalalayong lugar dito sa Pilipinas na makiisa sa programa at mas mapabilis pa ang pagpbabakuna.
“Suggestion lang po, since binibilisan na natin ‘yung ating vaccination, especially dito sa ating bakunahan sa botika. Suggestion lang po as Committee Chair, baka pwede rin pong mabigyan ng incentives itong mga pharmacists natin na (nagwo-)work double time,” ani Go.