Peace talks sa pagitan ng CPP-NPA at gobyerno, malabo na – OPAPRU

Nanindigan ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (Opapru) na wala nang balak na buhayin ang peace talk sa pagitan pamahalaan at mga rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army .

Ginawa ng Opapru ang pahayag matapos igiit ng ilang presidentiables na kailangan ibalik ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ayon kay Opapru Spokesman Wilben Mayor iginagalang nila ang paninindigan ng ilang kandidato pagka-pangulo subalit malabo na umanong mangyari ang resumption ng peace talks.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Paliwanag ni Mayor, hindi nila nakitaan ng sinsiridad ang kampo ng CPP-NPA kaya bumagsak ang peace talks noong 2017.

Dagdag pa ng opisyal na habang nag-uusap ang mga lider sa taas patuloy naman ang pag-atake ng mga NPA sa mga sibilyan at pwersa ng gobyerno.