4 na araw na malawakang bakunahan ng Pampanga, nagsimula na kahapon

Umarangkada na kahapon ang apat na araw na mass vaccination kontra COVID-19 ng Pampanga Provincial government, na ginaganap sa cinema 1,2 at 3 ng Robinsons Starmills sa City of San Fernando.

Kabilang sa mga pweding mag pabakuna dito ang mga batang nag eedad labindalawa hanggang labimpitong taong gulang, at mga 18 years old pataas para sa unang dose.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Bukas din ito sa mga gustong mag pabakuna ng booster shot.

Paalala ng provincial government sa mga gustong mag pabakuna na mga menor de edad, mag dala ng mga photocopy ng birth certificate, ID ng magpapabakuna at ID ng magulang o Legal Guardian.

Sa mga 18 years pataas photocopy ng isang valid ID.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

At sa mga mag papa booster kailangan ng mga Photocopy ng Vaccination Card, isang valid ID at dapat may sarili na rin itong Booster Vaccination Form na maaring ma-download sa Pampanga PIO Facebook Page.

Magtatagal ang malawakang pagbabakuna hanggang sa araw ng Byernes, Janury 28.