Go nanawagan ng patuloy na kooperasyon ngayong nasa low-risk classification ng COVID-19 na ang Pilipinas

Umaasa si Senador Christopher “Bong” Go sa patuloy na pagbabantay at pagtutulungan ng lahat sa gitna ng patuloy na pagbaba ng daily COVID-19 cases sa bansa.

Paliwanag ni Go na bagama’t maraming sektor ng ekonomiya ang mabubuksan sa mas maluwag na restriksiyon, subalit kailangan dahan-dahan itong isagawa.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Dapat umanong balansehin ang buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Hindi umanong pwedeng biglaing buksan ang lahat at kalaunan ay mahihirapan na naman ang ating healthcare system.

Iginiit ng senador ang magagandang resulta ay bunga nang halos dalawang taon nating sakripisyo habang nakikipaglaban sa pandemya.